Sex for sale sa mga turista.. Bugawan sa SEA Games

December 8, 2019

 

Siyam na babaeng Chinese ang nailigtas matapos mabiktima ng human trafficking sa Mabalacat City, Pampanga.


Ang mga babaeng Chinese ay ibinubugaw umano sa mga bisitang nasa bansa para sa 30th Southeast Asian Games kung saan isa sa mga venue ay Pampanga at Tarlac.


Sa panayam kay Col. Rhoderick Armamento, tatlong Chinese nationals na nagsisilbing bugaw na sinasabing miyembro ng isang international prostitution ring ang naaresto sa operasyon.


Kinilala ang mga ito na sina Fan Jianwu muna Hube; Wang Xiankai at isang ‘Jeff’.


Nakuhanan sila ng P6,000 cash, mobile phones, kahon-kahong condoms, passports, identification cards at Toyota Vios.


Mahaharap ang tatlong nearesto sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10364 o Anti-Trafficking in Persons Act.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.