top of page
Search
  • Thea Janica Teh

E-mobile vehicle, gagamitin na para iwas-air pollution

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Mahalagang ingatan natin ang ating kalika­san, kaya naman nagkaroon ng kolaborasyon ang Clean Air Asia at UN Environment para supor­tahan ang International Climate Initiative (IKI) ng German Federal Mi­nistry for the Environment at Nature Conser­va­tory and Nuc­lear Safety (BMU) para mabuo ang electric 2 and 3-wheeler bilang urban transport modes.

Sinusuportahan ng UN Environment ang iba’t ibang bansa sa pagbibigay ng mga electric mobile wheelers. Samantala, ang Clean Air Asia naman ay international non-government organization na ang mis­yon ay makapagbigay ng sariwang hangin at magandang kalikasan sa buong Asya.

Bukod sa Pilipinas, ilang bansa na rin ang tinutulungan ng Clean Air Asia tulad ng Indonesia, Malaysia, Nepal, Sri Lanka at Vietnam. Ang kanilang headquarter ay matatagpuan sa Manila, Philippines at mayroon din silang opisina sa Beijing, China at New Delhi, India.

Kaya naman, nauna na ang Pasig City sa pag­papalaganap ng paraan kung paano makaiiwas sa pagsira ng kalikasan at sa mas pinadaling pagtang­gap ng ating mga sulat at package. Ang progra­mang E-Mobility ay nakipag­tu­lungan sa PHLPost bilang Green Delivery para ma­gamit sa pagpapadala ng sulat at package. Mata­tanaw na natin sa kalsada ang mga 2-wheeler at 3-wheeler mobile vehicle na gawa ng TAILG.

Kasama sa paglunsad ng 2 & 3-wheeler mobile vehicle sina Pasig City Mayor Vico Sotto; Manager for Operations-NCR Mega Manila Area PHLPost, Ms. Olive Valderama; Head of City Transportation and Development Management Office of Pasig City Robert Anthony Siy III; Deputy Director of Clean Air Asia Glynda Bathan-Baterina at marami pang iba.

Lubos na nagpapa­sa­la­mat ang TAILG dahil sa suportang ibinigay ng munisipalidad ng Pasig City. Inaasahan ng TAILG na marami pang makikipagtulungang munisipalidad dito sa ating bansa sa pagpa­palaganap ng paraan sa pag-iwas sa pagsira ng kalikasan.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page