Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

225,000 Pamilya apektado sa hagupit ni ‘Tisoy’

December 8, 2019

 

Mahigit 225,000 pamilya ang apektado ng hagupit ng nagdaang Bagyong Tisoy at nasa mahigit 170,000 kabahayan naman ang nasira sa malaking bahagi ng Southern Luzon at Visayas Region.


Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 225,964 pamilya o 970,464 indibidwal ang labis na apektado sa 1,819 barangay sa bahagi ng Regions 3, 5, 8 at Cordillera Administrative Region (CAR).


Sa nasabing bilang, 28,639 na pamilya o 117,045 na katao ang pansamantalang nanatili sa itinalagang 788 na evacuation centers.


Nasa 3,261 na pamilya o 14,695  indibidwal naman ang hindi nanuluyan sa evacuation centers.


Batay sa tala ng NDRRMC, nasa 12 ang nasawi habang 54 ang nasugatan sa CALABARZON, Mimaropa, Regions 5 at 8.


Nasa P7,820,249.96 ang halaga ng ipinadalang tulong ng Office of Civil Defense (OCD), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga local government unit (LGU) sa mga apektado ng bagyo.


Umabot naman sa mahigit 172,000 ang nasirang kabahayan.


May kabuuang 172,613 bahay ang nasira sa Regions 3, 4 at 6, Calabarzon, Mimaropa, at CARAGA. 


Nasa 137,637 ang totally damaged habang 38,076 ang partially damaged.


Maliban dito, siyam na health facilities ang nasira sa Regions 5 at 8 kung saan isa ang totally damaged habang walo ang partially damaged.


Samantala, nasa 212 na eskuwelahan naman ang napaulat na bahagyang napinsala sa bahagi ng Regions 1, 3, 5, 6 at 8, CALABARZON, Mimaropa, at CARAGA.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr