Kulelat sa Reading, Math at Science — DepEd.. Pinoy students, adik sa gadgets

December 7, 2019

 

Pagkahilig sa gadgets ang isa umano sa masasabing dahilan ng pagiging kulelat ng mga estudyanteng Pinoy sa Reading, Mathematics at Science.


Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Lilibeth Estoque, Assistant Schools Division Superintendent ng Division of Iloilo sa ilalim ng Department of Education DepEd), sinabi nito na isang eye-opener ang nasabing survey at nararapat na tutukan.


Aniya, kabilang sa kanilang ginagawang hakbang upang masolusyunan ang nasabing problema ay ang capacity building activity at iba’t ibang reading programs.


Samantala, bukod sa gadgets, kabilang pa umano sa mga dahilan ng nasabing problema ay ang madalas na pagliban sa klase at kawalan ng interes sa pagbabasa ng mga estudyante.


Matatandaang, sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA), nakakuha ng pinakamababang rating sa reading comprehension ang Pilipinas mula sa 79 na bansang kumuha nito.


Nangulelat din ang Pilipinas sa Mathematics at Science, na pumangalawa sa nakakuha ng pinakamababang ranggo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.