Dahil sa Bagyong Tisoy.. Presyo ng gulay at isda, tataas pa

December 7, 2019

 

Asahan na ang pagtaas ng presyo ng gulay at isda dahil sa epekto ng Bagyong Tisoy.


Ito ang abiso ni Agriculture Sec. William Dar sanhi na rin ng malaking pinsala na iniwan ng bagyo sa Southern Luzon at Northern Visayas at sa papalapit na Pasko na nangangahulugan ng mataas na demand.


Sa pag-inspeksiyon sa Muñoz Market sa Quezon City ni Sec. Dar, natukoy nitong sumipa ang presyo ng galunggong na nabibili ngayon sa P360 kada kilo mula sa dating P280.


Nauna nang  inaprubahan ng DA ang pag-aangkat ng 45,000 metric tons ng galunggong. 


Kung hindi pa rin aniya bababa ang presyuhan nito sa lokal na merkado ay itataas sa 100,000 metric tons ang aangkating galunggong.


Diin naman ni Laban Konsiyumer, Inc. President Vic Dimagiba, ang suggested retail price (SRP) ng galunggong ay P160 kada kilo.


Iginiit pa ni Dimagiba na pupuwedeng solusyon ang paggamit ng mga lokal na pamahalaan ng kanilang kapangyarihan para bantayan ang pagpapatupad ng SRP na inilabas ng DTI.


Aabot naman sa P10 kada kilo ang itinaas sa presyo ng manok sa merkado.


Tumaas din ang halaga ng gulay mula sa Baguio City. Ilan sa  mga ito ang sibuyas na mula P100 kada kilo ay P160 na kada kilo; ang kamatis na dating P40 ay P50 na kada kilo; ang okra na dating P80 ay nasa P120 kada kilo na; ang talong na dating P80 ay P120; ang sili naman na dating P150 ay nasa P200 na.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.