Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

PNR, abot na sa Los Baños, Laguna — DOTr

December 6, 2019

 

Aabot na hanggang sa Los Baños, Laguna ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR).


Ayon sa Department of Transportation (DOTr) sa kasalukuyang PNR line ang biyahe ng tren ay mula Tutuban, Manila hanggang Calamba Station.


May limang bagong flag stop station naman ang nadagdag kabilang ang Pansol, Masili, Los Baños, College o Junction at ang International Rice Research Institute (IRRI).


Mayroon din umano silang bagong  Kogane train set mula sa Japan, na binubuo naman ng tatlong bagon.


Ito ay may reclining at rotating seats, stowable tables, leg rests at may comfort room pa sa loob ng tren at kaya umanong magsakay ng 81 pasahero.


Ang pamasahe  mula sa Tutuban hanggang sa IRRI sa Los Baños ay P150.


Ayon kay PNR General Manager Jun Magno, nagsagawa na sila ng mga tests upang matiyak na smooth-running ang operasyon ng extended services  ng kanilang rail line.


Tiniyak din niya na mas marami pang biyahe  ang idaragdag nila sa mga susunod na araw lalo at palapit na ang Holiday Season.


Nabatid na bukod sa Kogane train, may dalawang bagong train sets din, na may tigatlong rail cars, mula sa Indonesia ang inaasahang darating sa susunod na linggo at isasama sa PNR line sa ilalim ng Tutuban – FTI at Malabon – FTI routes.


Mayroon pa umanong 31 pang coaches ang nakatakda ring ideliber sa bansa ngayong Disyembre 2019 hanggang sa Pebrero 2020, na bubuo ng pitong train sets na may apat hanggang limang car configurations.


Sa kabuuan, 37 rail cars ang in-order ng PNR mula sa Indonesia.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr