top of page
Search
  • Roma Amor

Mga utol at pati anak ng pinsan, todo-asa lahat, bebot gusto nang sumabog

Dear Roma, Ako si Laila, 23, at panganay sa magkakapatid. Lahat ng kapatid ko ay umaasa sa akin at wala namang problema ‘yun. Ang nakakainis lang ay napakademanding nila at ang masaklap, ‘yung pinsan kong may pamilya na ay umaasa pa rin sa amin kahit may trabaho naman ‘yung asawa niya. Gayundin, lahat ng gusto ng anak niya ay hinihingi niya sa amin. Ano ang dapat kong gawin? – Laila

Laila, Normal lang na magtulungan kayo dahil pamilya kayo, pero sa totoo lang, hindi na tama na pati anak ng pinsan mo ay parang responsibilidad mo pa. Puwede kang tumulong, pero huwag mong hayaan na umabot sa punto na halos ikaw na ang bumubuhay sa anak niya. Ngayon pa lang ay kausapin mo na ang iyong pinsan at ipaliwanag na may kani-kanya kayong buhay at hindi kasama ang pamilya niya sa mga obligasyon mo. Kung kaya mong tumulong kahit paunti-unti, go lang, pero ipaalala mo na hindi sa lahat ng oras ay makakatulong ka. God bless you!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page