Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Dagdag-incentive sa nakasungkit ng ginto sa SEA Games, aprub

December 6, 2019

Photo: 2019 Sea Games (left)

 

Ipinasa na sa House of Representatives ang House Resolution No. 568 ng mismong Speaker nito na si Alan Peter Cayetano at iba pang mga lider ng Kongreso para pagtibayin ang pagbibigay ng karagdagang insentibo at benepisyo sa mga atletang Filipino, partikular sa mga nakasungkit ng gintong medalya ngayong 30th Southeast Asian Games.


Bukod sa ibinibigay na insentibo na ipinagkaloob ng batas, ang Philippine Olympic Committee (POC) sa pangunguna ni Cavite 8th District Rep. Abraham Tolentino ay una nang nakapag-ambag ng karagdagang pabuya sa mga Filipino gold medal winner. 


Kasama ni Cayetano bilang kanyang mga co-authored sa paghahain ng resolusyon sina Deputy Speakers Paolo Duterte, Propero Pichay, Jr., Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Committee on Accounts Chairman Rep. Abraham Tolentino at Committee on Youth and Sports Development  Chairman Eric Martinez,  ng  Ikalawang Distrito ng Valenzuela City.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr