Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Basta Pinoy, qualified.. One-stop shop sa mga ospital, pirmado na

December 6, 2019

 

Tiwala si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na magkakaroon ngayon ng accessible at de-kalidad na healthcare ang bawat Pilipino makaraang maipasa at pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ganap na batas ang Malasakit Center Act of 2019. 


Si Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health at nagsulong ng Malasakit Center Act ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya para maging ganap na batas ang kanyang panukala. 


Aniya, ngayon ay may garantiya na ang mga mahihirap na may sakit na may kakalinga at magmamalasakit na sa kanila. 


Sa kasalukuyan, sa halip na magtungo sa iba’t ibang government offices ang mga mahihirap na may sakit ay pupunta na lamang sila sa ‘one-stop shop’ na Malasakit Center na nasa iba’t ibang pampublikong pagamutan at sila ay tutulungan ng mga tauhan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


“Ang target nito, zero balance. Basta ikaw ay Pilipino, qualified ka. Meron din itong express lane para sa mga senior citizen at people with disabilities (PWDs),” sabi pa ni Go.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr