top of page
Search
  • Thea Janica Teh

2.83 milyong pensiyunado ng SSS, makakatanggap na ng 13th month pay

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Maagang pamasko ang hatid ng Social Security Service (SSS) sa kanilang mga pensiyunado dahil mula ngayong araw ay maaari na nilang makuha ang kanilang 13th month!

Halos 2.83 milyong pensiyunado ang maaari nang makatanggap ng kanilang 13th month pension. Nagkakahalaga ito ng Php12.71 bilyon, pareho sa thru-the-bank at thru-the-check. “Nakipagtulungan na kami sa aming mga bank partners na i-credit na sa aming mga pensiyunado ang kanilang 13th month para ma-enjoy ngayong nalalapit na kapaskuhan,” sabi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.

Mas mataas ng 7.6% ang inilabas ng SSS ngayon na 13th month pension kung ikukumpara noong isang taon at kasabay din nito ang pagtaas ng bilang ng mga pensiyunado. Maraming pensiyunado ang makatatanggap ng kanilang 13th month thru-bank, samantala, ang natitirang 14,000 pensioners ay tseke pa rin ang makukuha.

“As early as Nov. 26 ay na-released na ang lahat ng mga tseke, kaya naman asahan na darating na ito sa inyo bago pa ang kapaskuhan. Inaasahan din namin na ang lahat ng pensiyunado ay mag-thru-the-bank na para sa mas mabilis na proseso at pagtanggap ng pension,” dagdag pa ni Ignacio.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page