top of page
Search
  • Justine Daguno

Pinagmulan ng parol at mga tradisyong Pinoy tuwing pasko

Ang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas ay maituturing na isa sa mga pinaka-unique sa mga Christian-dominated na bansa sa buong mundo. ‘Ika nga nila, “When it comes to Christmas, no one celebrates it better than the Filipinos.”

Well, alam naman nating hindi nagpapahuli ang mga Pinoy sa anumang bagay, palagi tayong may paandar, anumang okasyon ‘yan. At dahil 20 days na lang ay Pasko na, halika at alalahanin natin ang mga kaugalian at tradisyon na tatak-Pinoy:

1. PINAKAMAHABANG CHRISTMAS CELEBRATION. Kilala ang Pilipinas sa pagdiriwang ng pinakamahabang panahon ng Pasko sa buong mundo. Sa katunayan, ‘feel’ mo na agad ito pagtuntong pa lang ng September o pagpasok ng “ber” months kung saan Christmas songs at decors agad ang bubungad sa ‘yo — mapabahay, opisina, mall o saanmang lupalop ng bansa.

And wait, mid-January ‘yan tatanggalin dahil hanggang Three Kings, pa ang selebrasyon.

2. PAROL. Alam n’yo ba na ito ay originally gawang Pinoy? Ang kauna-unahang parol ay ginawa ni Francisco Estanislao noong 1908. Ang salitang “parol” ay hanggo sa salitang Espanyol na “farol” na ang ibig sabihin ay lantern o lamp.

Isa ito sa mga nakagisnang dekorasyong-pamasko sa bansa. Karaniwan itong gawa sa makulay na papel at bamboo sticks na hugis star, pero sa kalaunan ay nagkaroon ito ng inobasyon kung saan nilagyan na ng pailaw at iba pang disenyo.

3. SIMBANG GABI. Ang Misa de Gallo o Simbang Gabi ay ipinagdiriwang ng siyam na madaling-araw o sa pagitan ng December 16 hanggang December 24. Sabi nila, ang gawaing ito ay tradisyon ng mga magsasaka noong Spanish colonial period.

Samantala, may paniniwala na kapag nakumpleto mo raw ito ay matutupad ang wish mo kaya maraming Pinoy ang nagsasakripisyo na gumising nang madaling-araw para makapagsimba at mabuo ito.

4. AGUINALDO. Ang salitang “aguinaldo” na isang Spanish term o bonus sa Ingles ay usung-uso tuwing Pasko bilang pantukoy sa regalo o pamasko — gamit man ito o pera na ibinigay ng ating mga ninong at ninang.

5. CAROLING. Isa ito sa mga gawain na paborito at kinagigiliwan ng karamihan — bata man o matanda. May dalawa, tatlo o higit pang miyembro ang grupo na nagbabahay-bahay saka kumakanta ng mga awiting pamasko.

Kasunod ng masayang awitin, nagbibigay ang mga may-ari ng bahay ng pera o pamasko, depende kung gaano sila nasiyahan sa caroling ninyo.

6. NOCHE BUENA. Ito ang pinakapaboritong tradisyon ng pamilyang Pinoy. Matapos ang misa, inaasahan ng lahat ang kaganapang ito. Inihahanda ni nanay ang kanyang specialty na lutuin at ilalabas na rin ni tatay ang kanyang pinakatatagu-tagong wine. ‘Ika nga nila, simple man o engrande ang Noche Buena, ang mahalaga ay sama-sama at kumpleto ang pamilya.

Well, para sa ating mga Pinoy, wala man tayong snow, okay lang dahil super feel pa rin natin ang Pasko sa sarili nating paraan.

Sa totoo lang, ilan lamang ang ating mga nabanggit sa napakaraming tradisyon ng pamilyang Pinoy tuwing sumasapit ang Kapaskuhan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page