Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Capital share ng China sa NGCP, imbestigahan

December 5, 2019

 

Ipinabubusisi na sa Kamara ang 40% capital ownership ng State Grid Corp. of China (SGCC) sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP).

 

Sa inihaing House Resolution 553 ng mga kongresista ng Bayan Muna Partylist, pinakikilos ang House Committees on Energy at National Defense and Security na alamin ang posibleng implikasyon sa national security ang pagmamay-ari ng kumpanya ng China sa NGCP.

 

Hiniling sa resolusyon na isakatuparan ng dalawang komite ang legislative at oversight functions nito para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino.

 

Sa gitna ito ng pangamba na posibleng ma-hack o magkaroon ng remote access ang China sa kuryente ng bansa.

 

Giit ni Rep. Carlos Zarate, dapat ay may mapanagot sakaling makumpirma na may problema sa capital ownership ng China sa nag-iisang transmission service provider ng bansa.

 

Lumalabas na ang subsidiary ng China na State Grid International Development Ltd. ay may 40% capital ownership sa NGCP kung saan okupado nito ang tatlo sa sampung posisyon sa board.

 

Sinasabing limitado lamang ang kapangyarihan ng TransCo na siyang may-ari ng NGCP sa access sa system at oversight nito.

 

Bukod sa 40% ownership ng SGCC, 30% ng share sa NGCP ay nakuha ng Monte Oro Grid Resources Corp. at Calaca High Power Corp.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr