Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ayon sa Sports Industry Awards Asia.. ‘Pinas, “best SEA Games organizer”

December 5, 2019

 

Kinilala ng Sports Industry Awards Asia ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) sa kakayahan nitong mag-organisa ng pinakamagandang  SEA Games.  


Anila, ibang level ng efforts ang kanilang ibinigay upang maging world-class ang  opening ceremonies at ang kabuuang 56 sports at 530 pang events. 


Ang SPIA ay isa sa mga prestihiyoso at kinikilalang award giving body sa Asia na may malalim na background sa pagbibigay ng pagkilala sa Asian Sports Industry ng mahabang taon. 


Bilang nangungunang sports business conference at awards platform sa Asia, ang SPIA Asia ay nagbibigay ng recognition sa Asia’s Top 10 sa mahigit 25 distinct awards categories  kasama na ang Asia’s Best Sportsman at Asia’s Best Sports Woman category na meron pang gold, silver, at bronze na iginagawad sa best performers. 


Mismong si SPIA CEO Eric Gottschalk ang personal na nagbigay ng award kina PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano at PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara sa ginanap na conference na inorganisa ng SPIA Asia sa Grand Hyatt Hotel. 


Nagalak naman si  Suzara sa SPIA at sinabi nito na lalo pang mai-inspire ang tauhan ng PHISGOC para lalong ganahang magtrabaho para mapagbuti pa ang pagdaraos ng SEA Games sa mga natitirang araw.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr