13 patay sa bagyong Tisoy

December 5, 2019

 

Umakyat sa 13 ang nasawi sa hagupit ng Bagyong Tisoy sa southern Luzon at Visayas Region.


Sa ulat ng Office of the Civil Defense, kabilang dito ang limang indibidwal sa Bicol Region kabilang ang  nakuryente sa Libmanan, Camarines Sur.


Dalawa naman sa Sorsogon kung saan isa ang nalunod sa Bulan at ang isa ay sa evacuation center sa Sorsogon City.


Patay din ang dalawang indibidwal sa bayan ng Pili at Goa dahil sa pagkalunod.


Sa report  naman mula sa Mimaropa Region o Region 4B, lima ang naitalang patay. Apat dito ay mula sa Oriental Mindoro at isa mula sa Marinduque.


Nakilala ang mga nasawi na sina: Ildefonso Reyes de los Santos, nabagsakan ng puno; Jessie Santos, nabagsakan ng puno; Efren de Guzman Cueto, inatake sa puso; Domindor Motol Lazo, inatake sa puso at Bernabe Minay Lundag, nabagsakan ng puno ng niyog.


Samantala, kinumpirma rin ng OCD na isa ang naitalang patay sa Ormoc City matapos mabagsakan din ng puno ang biktima.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.