Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Yulo, most bemedalled athlete

December 4, 2019

 

Isa na namang ginto ang nakuha ni Pinoy Gymnastics Wonder Boy Carlos Yulo sa paboritong Men’s Floor Exercise sa 30th SEAG sa Rizal Memorial Coliseum.  

 

Ito na ang pangalawang ginto ni Yulo na nanalo noong isang araw sa Men’s All-Around at kabilang na siya sa lumalaking listahan ng mga atletang may dalawa o higit pang ginto sa kanilang pangalan.Ngunit nakapilak lang siya sa sumunod na Men’s Pommel Horse.  

 

Nabigyan lang ang kanyang palabas ng 13.233 kumpara sa nag-ginto na si Tan Fu Jie ng Malaysia na may 13.967.Naka-isa rin siyang  pilak sa Steel Rings na dinomina ni Dang Nam ng Vietnam sa 13.867 puntos. Dahil sa kanyang ipinamalas na husay kahapon, si Yulo na ang may pinakamaraming medalya sa buong Team Pilipinas — dalawang ginto at dalawang pilak.  

 

Ang mga ginto ay sa All-around at Floor exercise habang ang mga pilak ay sa Still Rings at Pommel Horse.

 

Samantala, sa fencing  nakakuha ng dalawang medalya ang Pilipinas sa simula ng kompetisyon sa Fencing sa World Trade Center sa Pasay City.  Pilak ang nauwi ni Christian Jhester Concepcion nang matalo  kay Vu Thanh An ng Vietnam, 13-15, sa finals ng Men’s Individual Sabre. Tanso ang kay Samantha Kyle Catantan matapos matalo sa semis ng Women’s Individual Foil kay Amita Berthier ng Singapore, 9-15.

 

Natalo si Berthier sa kababayang si Maxine Wong para sa ginto, 10-15. Samantala, hindi  pinalad na makasampa sa podium ang mga babaeng pintopplers ng Pilipinas pagkatapos ng singles events pero naghihintay pa naman ang mga medalya sa doubles, team events, all-events at Masters sa kalalakihan at sa kababaihan ng 30th SEAG Tenpin Bowling Championships sa Mandaluyong.  

 

Dinomina ng mga kinatawan ng Singapore (1st: New Hui Fen at 3rd: Shayna Ng) at Indonesia (2nd: Tannya Roumimper) ang women’s singles kung saan ang pinakamataas na Pinay ay nasa pangwalong baitang dahil sa napatumba niyang 1213 na mga bolilyo. Kulang ito ng 58 pins para makapasok sa top 3. Isa pang Pinay, si Alexis Sy, ay nasa pang-11 posisyon nang magsuko ito ng 1202 pinfalls na kartada. Sina Bea Hernandez (17th) at Lara Posadas Wong (18th) ay malayo sa trangko.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr