Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Wushu, nagdagdag ng 5 ginto

December 4, 2019

 

Habang sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng Typhoon Tisoy, tila umulan din ng gintong medalya sa pambansang koponan ng Wushu Sanda at Taolu kahapon  World Trade Center sa Pasay City.

 

Limang panibagong gold medal ang ibinigay ng Sanda team ni 2018 Asian Games bronze medalist Divine Wally habang 2nd gold ang ibinulsa ni Agatha Chrystenzen Wong sa women’s Taolu-Taijijian event. “Parang hindi pa nagre-register sa utak ko. I’m still trying to think na parang, nanalo ba talaga ako kasi I’ve been through so much,” wika ni Wong. “I’m very honored to have this opportunity talaga.”

 

Dinomina ni Wally ang Vietnamese counterpart na si Thi Chinh Nguyen, 2-0 sa women’s 48-kg category. Sinundan ni Jessie Aligaga sa men’s 48kgs nang talunin si Ade Permana ng Indonesia, 2-0.

 

Hindi nahirapan si dating World Champion Arnel Mandal nang kunin ang gold medal sa men’s 52kgs division matapos sibakin si Laksamana Pandu Pratama ng Indonesia.

 

Ang pangatlong gold medal sa sanda team ay nagmula kay Francisco Solis na dinaig si Yusuf Widiyanto ng Indonesia, 2-0 sa men’s 56kgs category.

 

Kinailangan ng ikatlong round ni Clemente Tabugara Jr. upang tuluyang kunin ang ikaapat na gold medal laban kay Kittisak Suksanguan ng Thailand, 2-1 para mapanalunan ang men’s 65-kg division.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr