Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tropa ni: Lovely Joy Socias del Rosario

December 4, 2019

What's IN, ka-Bulgar

 

 

Sa magkakaibang paraan ang landas ay nagtagpo,
magkakaiba man, nagkaroon ng pagkakasundo.
Iba’t ibang persona at pagkakakilanlan,
nakabuo ng samahan na hindi inaasahan.

 

Sa kasiyahan, may tawanan at halakhakan,
pulutan ang kuwento at mga pinagdaanan.
Pagsasama ay hindi kailanman mapipigilan,
maging abala man sa kani-kaniyang larangan.

 

Subalit, hindi lahat ng kuwento ay panay kasiyahan,
may mga hindi aakalain at biglaang alitan.
Pagkakaiba ng pananaw ay hindi maiiwasan,
Subalit, mananatili ang pagmamahal sa mga kaibigan.

 

May mga pag-aalala at payo na napagkasunduan,
subalit, nasalungat dahil sa sariling kagustuhan.
Maaaring nakasakit sa damdamin ng mga kaibigan,
pero hindi ibig sabihin nito ang pagnanais na lahat ay masaktan.

 

Kung ang pagtahak sa ibang landas ay hindi naibigan,
at hindi agad matatangap ng mga nag-aalalang kaibigan,
magpapatuloy pa rin ang pagmamahal para sa samahan,
tulad ng trumpo, iikot, hihinto at iiikot ulit sa oras na inilaan.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr