Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tapos na raw sa obligasyon niya… Bayani, umaming dumistansiya na sa tropa ni P-Digong

December 4, 2019

Beth Gelena / Bulgary Files

 

 

Nakapanayam namin ang comedian-actor na si Bayani Agbayani nang dalawin namin siya sa kanilang tahanan kamakailan. Masayang kausap si Bayani, walang dull moment.

 

Naitanong namin sa kanya ang pagiging malapit sa administrasyong Duterte, lalung-lalo na kay Senator Bong Go.

 

“Alam naman ninyong ang administrasyong Duterte ang ineendorso ko mula pa nu’ng eleksiyon hanggang ngayon. Pero hindi na ako masyadong nakakasama sa kanilang mga lakad. Natapos na kasi ang obligasyon ko, eh.

“Pero nandoon pa rin ang pagsuporta ko sa administrasyon. Katunayan, binibigyan nga nila ako ng puwesto sa gobyerno,” ani Bayani.

 

Ang puwestong sinasabi ni Yani ay isa sa mga directors sana ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), pero hindi raw niya tinanggap. Masaya na raw siya na nakatulong sa kanyang kapwa.

 

Nabanggit din ni Bayani na if ever huminto siya sa pag-aartista, may option naman siyang mapupuntahan na connected pa rin sa showbiz.
“Ang maging writer at director. Dati na rin naman kasi akong writer sa mga TV programs na paminsan-minsan ay lumalabas din kung kinakailangan,” kuwento ni Bayani.

 

Kung papalarin naman daw siyang maging director, ang una niyang kukuning artista ay si Ms. Gloria Romero. Silang dalawa raw ng beteranang aktres ang gaganap sa pelikulang kanyang gagawin.

 

May script na raw siyang isinusulat na hopefully daw ay matuloy.
“Pero bago ako sasabak, kailangang pag-aralan munang mabuti pagdating sa directing though nakagawa na rin ako ng isang music video na ako rin ang nagdirek,” ani pa ni Bayani.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr