Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tamang suweldo para sa mga Bgy. official, ‘wag Christmas bonus lang

December 4, 2019

Good news sa mga elected barangay official, makatatanggap kayo ng Christmas bonus mula sa Office of the President.

 

Tatlong libong piso ang ibibigay sa bawat kapitan, kagawad, Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons at Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMRs).

 

Ayon sa Malacañang, ito ay bilang pagpupugay sa pagsusumikap nila sa tungkulin sa kani-kanilang mga komunidad habang nakabimbin pa ang panukalang-batas na magbibigay  ng dagdag na kompensasyon sa kanila.

 

Bilang mga tagapagpatupad ng frontline services sa komunidad, na talagang nag-aalay ng kanilang katapatan at kasipagan, karapat-dapat naman talaga silang makatanggap ng biyaya na para  sa kani-kanilang pamilya, bagama’t, ang paglilingkod sa taumbayan ay hindi matutumbasan ng anumang halaga.

 

Ang P3,000 ay maaaring katumbas lang ng ilang kilo ng bigas, ulam para sa isa o dalawang araw o pambayad sa isang buwang tubig o kuryente, pero puwede ring ang maging katumbas nito ay kasiyahan na maramdaman nilang hindi sila nakakalimutan ng kanila mismong gobyerno. 

 

Kung tutuusin, halos wala na silang ipinagkaiba sa ibang empleyado ng gobyerno. Minsan, mas mabigat pa ang responsibilidad na hawak nila dahil sila ang unang takbuhan ng publiko.

 

Sila ‘yung humaharap sa maliliit na problema na kung hindi malulutas ay maaaring lumaki at maging mas matinding suliranin.

 

Kaya sa palagay natin, hindi lang bonus ang deserve nilang matanggap kundi panahon na para mabigyan na sila ng fixed na sahod at benepisyo na kahalintulad sa ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno para naman sa kanilang kapakanan kapalit ng serbisyo nila sa mga komunidad.

 

Kilalanin natin ang kanilang pagsusumikap at dedikasyon sa trabaho. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr