Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

SEA Games sa ‘Pinas, nagtakda ng mataas na standards

December 4, 2019

 

Nagtakda ng mataas na pamantayan para sa mga nais mag-host ng mga international sporting events ang ginaganap na 30th Southeast Asian Games sa bansa. 

 

Kung saan, pinuri ng Palasyo ang mga organizers ng SEA Games sa pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa trabaho nitong “exceedingly well done”, matapos ang kamangha-manghang opening ceremony ng nasabing biennial event sa Philippine Arena noong Nobyembre 30. 

 

Pinuri rin ang mga performers at ang lokal na media outfits at mga manunulat at mga bloggers sa pagre-report nang tama.

 

Matatandaang, pinuri ng netizens, mga artista at pulitiko ang grand opening ceremony na nagsilbing hudyat ng simula ng SEA Games na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan. 

 

Pinalakpakan ng mga pinuno ng ilang National Olympic Committees tulad nina Malaysian Olympic Committee President Mohamad Norza Zakaria at Indonesian NOC chief Raja Sapta Oktohari ang pagsisikap ng Philippine Olympic Committee at ng buong Pilipinas sa pagkakaroon ng lakas ng loob na mag-host ng SEA Games na may 56 laro. 

 

Kahit ang mga atleta ng ibang nasyon ng Asean ay pinuri ang mga pasilidad sa Athletes’ Village sa New Clark City.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr