Pinas, sure na sa overall championship sa SEA Games

December 4, 2019

Ka Ambo / Bistado

 

MAHIGIT 30 gold medals na agad ang naisalansan ng Pilipinas sa unang dalawang araw ng 30th Southeast Asian Games.
 

Walang duda, maaabot ang target na overall champion ng biennial meet sa unang pagkakataon!

 

***

 

MAGANDANG buwenamano ang bonggang opening ceremony kung saan maging si P-Digong ay nakisayaw sa tugtugin na Manila.
 

Taliwas sa fake news, puring-puri ng pangulo ang pag-host ng Pilipinas sa biennial meet!

 

***

 

NASUPALPAL ang mga kritiko dahil nakitang sumasayaw, kumakaway at umiindak habang pumapalakpak nang walang tigil si P-Digong.
 

Bilib na bilib ang pangulo sa mga organizers, performers at maging sa mga volunteers!

 

***

 

NAGKAKAISA ang mamamayan sa pagdaraos ng SEA Games dahil sa dami nang dumalo, sumaksi at sumubaybay sa social media.
 

Niyakap ng lahat ang motto na “We Win As One”!

 

***

 

HANGGANG ngayon ay tulala ang lahat kasama na ang mga kritiko.
 

Lalo pa at patuloy ang paghakot ng gold medals ng mga atletang Pinoy sa iba’t ibang larangan!

 

***

 

NAGSAYAW, umindak at nagbigay-pugay ang walong sporting legends na sina Bong Coo, Alvin Patrimonio, Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko Thomson, Paeng Nepomuceno, Onyok Velasco at Efren “Bata” Reyes.
 

At naluha ang lahat nang biglang sumungaw si Senador at 8-Division World Boxing Champion Manny Pacquiao na nagpaliyab ng cauldron ng pagbubukas ng kompetisyon!

 

***

 

BUMILIB ang international press, partikular ang “The Strait Times” ng Singapore.
 

Inilathala nila nang buong-buo ang positibong aspekto ng kompetisyon!

 

***

 

DAPAT manahimik ang mga kritiko kasi binabatikos na rin sila ng mga netizens.
Walang duda, ang Pilipinas ang magiging overall champion ng 30th SEA Games.
Inggit to the bones ang mga kalaban ng pamahalaan!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr