Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pangulo, tsismoso raw… Sigaw ng kampo ni Frankie: P-Digong, wa wenta!

December 4, 2019

Janice DS Navida / Showbiz Special

 

Photo: @frankiepangilinan (left)

 

Magkadikit talaga ang showbiz at pulitika. See, mismong ang pangulo nating si Pres. Rodrigo Duterte, showbiz na showbiz?! 

 

Pagkatapos ngang madawit si Pangulong Digong sa kontrobersiyal na giyera ng mga Barretto dahil nandu’n mismo ang pangulo nang maganap ang rambulan ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine sa burol ng kanilang ama, ngayon naman, pasok uli si P-Du30 sa ‘marital issues’ nina Megastar Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

 

Actually, hindi pala “nadawit” dahil mismong sa pangulo nagsimula ang pinagpipistahan ngayong isyu ng hiwalayan nina Sharon at Kiko matapos i-announce ni Pangulong Duterte sa kanyang speech nu’ng Nov. 30, Bonifacio Day, na pinalalayas na raw ng Megastar ang mister sa kanilang bahay pero wala lang matitirhan. 

 

Sinagot at nilinaw naman agad ni Ate Shawie na walang katotohanan ang sinabi ni P-Digong at baka raw nagbibiro lang ang kanyang ‘Tatay’. Pero sa napanood naming video ng speech ni P-Duterte, seryoso ito at ‘di nagbibiro, parang galit pa nga kay Kiko. 

 

Ang siste, matapos pabulaanan ni Sharon ang isyung pinalalayas na niya si Kiko at in fact ay naglabas pa siya ng photo na sweet sila ng mister, may kasunod na post naman ang Megastar sa Instagram na bagama’t idinaan nito sa joke, ang dating sa ilang nakabasa ay may katotohanan talaga ang sinabi ng pangulo at hindi lang kasi maamin ni Sharon ang totoo dahil iniisip siguro nito ang kapakanan ng mga anak.

 

Nag-post si Sharon sa IG ng picture ng malaking bahay na aniya ay dream house niya at sa caption, mababasa na: “One day, soon... I will have a house in a place I have never been to, where it snows every winter... where I will feel the way this picture makes me feel!”

 

Kasunod nito, pabirong hirit ni Sharon, “Sumunod ka na lang Dada @kiko.pangilinan at mukhang in lab pa kayo ng politics! Mauna na kami. Hahahahaha!!! @frankiepangilinan”

 

Nag-comment naman si Frankie sa naturang post ni Sharon at sinakyan ang humor ng ina. Aniya, “Here na Mama!! hahaha! We will pack Dada and keep him safe until the world becomes kinder.”

 

Samantala, sa Twitter naman ay may nai-post ding picture si Frankie ng tulips na ipinadala sa kanya ng hindi niya pinangalanang sender at kasama nito ang isang note na ang nakalagay ay: “Sorry your president is shitty (sad emoji). Hope this cheers you up. (happy face emoji). 

 

Ang photo caption ni Frankie sa naturang post: “White tulips are my favorite. These flowers are for all of you, too. With all the love from my tired heart. Huwag sumuko.”  

 

Ang dami kasing Duterte supporters ang namba-bash ngayon kay Frankie pagkatapos niyang barahin si Pangulong Duterte at sabihan itong ‘wag sirain ang kanilang pamilya at unahin ang pagiging mabuting lider.

 

Pero in fairness, marami ring nagtatanggol sa panganay nina Sharon at Kiko at nakikisimpatya-sinusuportahan ito dahil nasa tama naman daw si Frankie at naiintindihan nila ang dalaga kung ‘pumalag’ man sa pangulo dahil pinoprotektahan lang niya ang kanyang pamilya.

 

Bilib nga ang maraming netizens sa tapang at prinsipyo ni Kakie dahil hindi raw ito natakot ihayag ang nararamdaman sabihin pang pangulo ng bansa ang kanyang ‘sinasagot’ sa naging controversial revelation nito.

 

May mga nababasa naman kaming comments ngayon sa socmed na tama lang ang ginawa ni Kakie dahil mali naman daw talaga ang hirit ng pangulo sa kanyang speech kung saan pinanghimasukan nito ang personal matters nina Sharon at Kiko (ke totoo pa ‘yun o hindi!) at tamang tsismoso lang daw ang dating ni P-Duterte sa kanyang big reveal. Big reveal daw, oh!

 

Hay, naku! May papalit na yata sa puwesto ni Kris Aquino sa pagiging taklesa! Char!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr