Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Opening ng SEA Games, perfect na, hinahanapan pa rin ng butas

December 4, 2019

Ms. Korina Sanchez / Isyung 'K'

 

Para sa atin, walang masama kung Manila ang ginamit na kanta habang pumaparada ang delegasyon ng Pilipinas noong opening ceremony ng 30th Southeast Games na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong November 30. 

 

Kinukuwestiyon ni Davao City Mayor Sara Duterte ang ginamit na kanta. Ayon kay Mayor Sara, hindi ito “inclusive” ng buong bansa. 

 

Well, sa totoo lang, kapag narinig natin ang kantang Manila, Pilipinas agad ang maiisip natin, ‘di ba? Taga-Pampanga ang nanay ko at Tagalog naman ang tatay ko. Pero, wala namang problema sa atin kung Manila ang ginamit nila.

 

Wala man tayong nakitang jeepney na karaniwan sa kultura ng mga Pinoy, ayos lang dahil mas nangibabaw ang mayamang kultura natin mula sa sayawan, kantahan at iba pa. 

 

Sa kabuuan ay matagumpay, maganda at walang aberya ang opening ceremony. Kumbaga, ipinangalandakan nila kung gaano kayaman at kaganda ang ating bansa. 

 

Siguro, dapat may gumawa ng kantang masaya na sakop ang buong Pilipinas, tapos sa susunod na may ganitong kaganapan ito ang gamitin para wala nang magreklamo. Sa ngayon ay Ang Bayan Kong Pilipinas pa lang ang naiisip natin. 

 

***

 

BAGYONG Tisoy ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa ngayong taon. Habang isinusulat natin ang column na ito ay nasa Bicol Region na ang bagyo.

 

Lumakas pa ang bagyo nang nakalapit na sa bansa. Pero, ang maganda lang, pinaghandaan ito kung saan ang ilang malalaking billboards o tarpaulin sa ilang kalsada ay ibinaba o inirolyo muna pansamantala.

 

Ang mga naninirahan naman sa baybaying-dapat ay pinalikas na patungo sa mataas na lugar. Mabuti na lang at natuto na ang marami. Walang may gustong maulit ang naganap noong ‘Yolanda’.

 

Samantala, ang Metro Manila ay itinaas sa Signal No. 2 kaya dapat maging handa ang lahat sa anumang oras, baka bumaha dulot nang walang tigil na pag-ulan. Keep safe everyone!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr