Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

OFWs sa Korea, makikinabang na sa SSS

December 4, 2019

Bulgarific

 

Hello, Bulgarians! Makararanas na ng sapat na benepisyo galing sa Social Security System (SSS) ang mga OFWs sa South Korea at kanilang pamilya sa Pilipinas dahil sa bilateral agreement ng dalawang bansa noong November 25, 2019.

 

Sa pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea para sa ASEAN- Republic of Korea Commemorative Summit, limang agreement ang naisara at napirmahan nito kabilang ang social security coverage ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa South Korea at mga Koreano sa Pilipinas.

 

“After 15 years, masaya kaming ibabalita sa lahat ng mga OFWs sa South Korea na sigurado na ang makukuha ninyong benepisyo at proteksiyon galing sa SSS kasama na rin ang mga Koreanong naninirahan sa ating bansa,” bahagi ng talumpati ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.

 

Dagdag pa ni Ignacio, kampante sila na maaabot nila ang kanilang goal na maprotektahan at mabigyan ng benepisyo ang mga Pinoy sa loob at labas ng bansa.

 

Kasama rin sa agreement na pinirmahan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro “TeddyBoy” Locsin, Jr. at Korean Foreign Minister Kang

Kyung-wha, na ang coverage ng mga OFWs ay mananatili sa ilalim ng National Pension Service (NPS) ng Korea at hindi maita-transfer sa SSS.

 

Kaya naman ang mga OFWs na hindi nakapagbayad ng kanilang kontribusyon sa SSS ngunit, nakapagbayad sa NPS sa loob ng 120 months ay mabibigyan pa rin ng retirement pension at iba pang benepisyo at vice-versa. Sinisigurado rin ng agreement na ito na matatanggap ng miyembro ang kanilang benepisyo, nasa Pilipinas man sila, South Korea o iba pang bansa.

 

May option din ang mga OFWs na i-refund ang kanilang kontribusyon sa NPS kapag natapos na ang kontrata nila sa kanilang pinapasukan. 
“Pinakikinggan namin ang lahat ng suhestiyon ng mga OFWs at ito ang paraan namin para malaman ang kanilang pangangailangan,” ani Ignacio.

 

Kaya paalala ng SSS sa mga OFW, magbayad ng kanilang kontribusyon, voluntarily para masiguro ang kanilang pension pagdating ng panahon.
 

♥♥♥

 

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

 

Got to go! It’s so Bulgarific!

 

xoxo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr