Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Megastar, kahit todo-deny pa… PDu30, ibinulgar na si Sharon mismo ang nagsabi sa kanya na pinalalayas na si Kiko

December 4, 2019

Erlinda Rapadas / Teka Nga

 

 

Na-fake news kaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikinuwento na diumano ay pinalalayas na ni Megastar Sharon Cuneta sa kanilang bahay ang mister niyang si Senador Francis “Kiko” Pangilinan pero ayaw pa ring umalis? Saan at kanino naman kaya galing ang tsikang ito? 

 

Base sa kuwento ni Pangulong Du30, eh, mismong si Shawie raw ang nagsabi nito sa kanya. May ganu’n nga kayang nasabi si Megastar, eh, seryoso at maselan na bagay ang ganu’ng topic? Unless, medyo biro lang ‘yun na nasabi-naikuwento ni Sharon kay Pangulong Digong.

 

Sino naman kaya ang naghahatid ng mga showbiz chika sa pangulo?
Diretsahang itinanggi ni Shawie ang isyu na pinalalayas na niya ang kanyang mister na si Kiko. Masaya at maayos daw ang kanilang relasyong mag-asawa at magkasama pa rin sa iisang bubong.

 

Naapektuhan-nag-react ang anak nina Sharon at Sen. Francis na si Frankie na nag-aaral ngayon abroad, kaya nagbigay din siya ng mensahe kay Pangulong Duterte. Huwag naman daw sirain ang masaya nilang pamilya at huwag magkalat ng maling balita. 

 

***

 

Bongga talaga ang inihandang pasabog ng morning show na Unang Hirit sa pagdiriwang ng kanilang 20th anniversary.

 

Espesyal ang bawat segment ng show at nagawa nilang itampok ang live interview kay Pangulong Rodrigo Duterte mula mismo sa Malacañang. May bonus pang Sen. Bong. Go. 

 

Personal na nakatsikahan nina Arnold Clavio at Susan Enriquez si Pangulong Du30 at nagkaroon sila ng pagkakataon na matanong ang ilang personal na bagay sa pangulo.

 

May ilang viewers din na nagpadala ng kanilang katanungan sa pangulo na diretsahan namang sinagot ni Pangulong Du30.

 

Ang UH 20th anniversary special episode ay mapapanood pa hanggang sa Dec. 5. At tiyak, aabangan pa ng mga viewers kung sinu-sino pang malalaking celebrities ang ige-guest nila sa show sa mga susunod na araw.

 

May feature pa sina Maris Umali at Joyce Pring tungkol sa kultura ng South Korea at aalamin nila kung ano ang siktreto sa likod ng tagumpay ng mga Korean telenovelas at kung bakit nagklik at kinababaliwan ang mga K-Pop artists.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr