Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Malalakas na pampasabog nasabat ng militar.. Planong pag-atake ng mga terorista, buking

December 4, 2019

 

Naunsiyami ang planong paghahasik ng terorismo ng ISIS terror linked na Dawla Islamiyah (DI) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilang mahahalagang pasilidad sa Central Mindanao makaraang madiskubre at masabat ng militar ang malalakas na uri ng pampasabog.

 

Narekober ng mga sundalo ang nasa 12 iba’t ibang homemade explosive devices sa kalagitnaan ng surgical operations laban sa nabanggit na teroristang grupo sa bulubunduking bahagi ng Shariff Saydona Mustafa.

 

Ayon kay Major Gen. Diosdado Carreon, kabilang sa mga  nakumpiska ang mga improvised explosive devices, iba’t ibang uri ng armas at ilang bomb-making equipments.

 

Sa Bgy. Pamalian, Shariff Saydona, hiwalay na nakuha ang high powered armalite rifles na may mga bala, improvised bomb na yari sa hand grenade at nakakabit sa live 81mm. mortar at  iba pang sangkap sa  paggawa ng IED.

 

Sinabi ni Carreon na gagamitin umano sa pag-atake sa iba’t ibang lugar sa Maguindanao at ilan pang mga kalapit na lalawigan ang mga pampasabog.

 

Batay sa intelligence report, ang mga bomba ay gagamitin  at  ipakakalat sa mga lansangan ng Maguindanao at matataong lugar sa Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr