Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Isinumbong kay P-Duterte.. DBM officials, sangkot sa kickback

December 4, 2019

 

Isinumbong ng grupo ng mga construction firm kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa umano’y paghingi ng 15 percent kickback sa bawat proyekto na may Special Allotment Release Order (SARO). 

 

Sa isang pahinang letter of complaint sa Pangulo ni Mrs. Veronica Bautista ng VNB Construction, tinukoy nito sina alyas Jeannie at Catherine na tumatawag umano sa mga alkalde sa mga probinsiya at humihingi ng 15% commission sa bawat proyekto na may SARO. 

 

Kapag hindi umano ibinigay ang hinihinging 15% commission ay hindi ire-release ang pondo ng isang municipality. 

 

Umaasa si Bautista na gagawa ng aksiyon si Pangulong Duterte at paiimbestigahan ang mga opisyal ng BDM dahil  kilalang galit ang Chief Executive sa anumang uri ng corruption sa gobyerno.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr