Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Init ng ulo, ‘wag pairalin sa pagmamaneho

December 4, 2019

Ryan B. Sison / Boses

 

Sabi nila, kapag nagmaneho, dapat kang magbaon ng sandamakmak na pasensiya. Ito ay dahil sa trapik, mga pasaway na kapwa motorista at pedestrian.

 

Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko, partikular sa mga motorista na huwag pairalin ang init ng ulo kapag nasangkot sa traffic incident.

 

Ito ay matapos mag-viral ang video ng doktor na pinagmumura, nilait at sinigawan ang driver ng L300 na diumano’y nanggigitgit sa kanya sa kalsada.

 

Kuwento pa ng drayber, nasa tamang linya siya nang gustong sumingit ng isa, pero hindi niya pinagbigyan dahil pare-pareho lang naman umano silang naiipit sa trapik. 

 

Dagdag pa rito, sakay niya ang kanyang asawa at mga anak na menor-de-edad kung saan nakita ng isa niyang anak ang pambabato ng doktor kaya sinundan nila ito hanggang sa gas station para komprontahin  at nang makarating, doon na nagsimula ang pagwawala at pagmumura nito.

 

Sa totoo lang, napakasakit sa puso na panoorin ang video dahil nakakaawa ang drayber na minamaliit ng taong may mataas na pinag-aralan sa harap ng kanyang pamilya. 

 

Bago ang viral video, nasangkot na sa ganitong uri ng insidente ang doktor kung saan isang motorista naman ang dinuru-duro nito sa kalsada.

 

Dahil mabilis itong kumalat sa iba’t ibang social media sites, maraming nagpahayag ng pagkadismaya dahil hindi umano ito  ang tamang asal ng isang propesyunal.

 

May mga humihirit na pakinggan  ang  panig ng doktor at meron namang naninindigan na karapat-dapat itong mawalan ng lisensiya sa pagmamaneho, gayundin sa pagka-doktor.

 

Napakaraming  paraan  para resolbahin ang mga anumang problema sa kalsada  kaya sana, iwasan nating magpadala sa init ng ulo dahil hindi ito nakatutulong, bagkus, napapalala lang nito ang isyu.

 

Kapag may nakagitgitan, huwag nang makipagyabangan kung puwede namang komprontahin nang maayos para walang murahan at laitan na maganap.

 

Natural lang naman na mainis o ma-bad trip paminsan-minsan, pero sana, huwag nating paabutin sa punto na makakasakit pa tayo ng damdamin ng ibang tao dahil tayo rin ang kawawa sa huli dahil sa ating kapabayaan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr