Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Horoscope | Disyem­bre 4, 2019 (Miyerkules)

December 4, 2019

 Maestro Honorio Ong

 

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 4, 2019 (Miyerkules): Magkakaroon ng katuparan ang mga ambisyon sa buhay kahit ang mga ito ay malalaki at marami. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ibigay mo kung ano ang kaya mo. Ang langit ay kikilos para makuha mo ang gusto mo. Mula noon hanggang ngayon at magpakailanman, inaalalayan ka na ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-13-26-29-34.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itabi mo para sa iyong kinabukasan ang ilang mga biyayang mapasasaiyo. Gawin mo ito sa tuwing bubuwenasin ka. Simple lang ito at kaya mong gawin, ito ang pormula para umasenso ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-18-20-21-24.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang paraang hindi ka mahihirapan, sasaya ka pa. Sa ganitong paraan, mapabibilis ang iyong pag-unlad dahil kapag masaya, mas masigla at dumarami ang pakinabang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-15-17-20-26.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matakot na makipagsapalaran sa negosyo. Simple lang naman ang susi mo, ikaw mismo ang magpapatakbo nito kaya bawal kang sumuko dahil madadaya ka lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto­-19-27-28-30-31-32.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Magpakababa ka dahil sa pagiging mababa, ang mga suwerte ay dadaloy sa buhay tulad ng buhay na ilog kung kailan ang mga biyaya at pagpapala ay palaging dadalhin sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-25-28-30-35-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong ipagdamot ang mga kakaibang ideya mo. Dahil marami ang aasenso nang dahil dito, ikaw ay pasasalamatan at magkakaroon ka ng bahagi sa mga suwerteng mapupunta sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-24-26-38-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Habang papalamig nang papalamig ang simoy ng hangin, paganda nang paganda ang kapalaran mo. Magpapatuloy ito nang walang laban sa iyo ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-22-25-36-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, samantalahin mo ang mga araw kung kailan aktibo ang mga negosyo. Tutukan mo ang iyong negosyo habang ang panahon ay nagbibigay ng magandang kita. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-20-21-25-32.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan ang bawat mahawakan mo ay magiging ginto na nagsasabing, puwede kang yumaman mula sa gawa ng iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-20-28-36-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutukan mo ang paghahanda para sa kapaskuhan. Ngayon pa lang ay magtabi ka na para sa pagpapasaya mo sa iyong kapwa. Ito ay dahil hindi mo maiiwasang maging mapagbigay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-23-38-39-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon pa lang, makulay na ang iyong kapalaran. Lalo itong magiging makulay pagsapit ng kapaskuhan. Mag-ingat ka dahil marami ang nagkakainteres sa makislap ang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-21-25-26-33.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpatulong ka sa iyong pinagkakatiwalaan. Kahit malakas ang tao, kailangan din niya ang kanyang kapwa. Ang mahalaga ay piliin mo lang ang taong  gagawing mong  alalay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-18-27-28-30-33.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr