Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Drilon, dedma sa hamong lie detector test ni Cayetano para magkaalaman kung sino ang korup

December 4, 2019

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

SABLAY NA SA SEA  GAMES  SA ‘PINAS, GUSTO PANG MAGING ‘CONSULTANT’  SA SEA GAMES SA VIETNAM — Batikos na naman ang inabot sa publiko ni Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC)  nang ialok niya ang kanyang sarili na maging “consultant” sa gaganaping 2021 SEA Games sa Vietnam.

 

Mantakin ninyo, napakaraming kapalpakan at aberya ang nangyari bago pa man ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games sa ilalim ng pamamahala ng PHISGOC, tapos ang gusto niya, siya ang kuning “consultant” sa 2021 SEA Games sa Vietnam? Boom!

 

***

 

DRILON, ATRAS SA HAMONG LIE DETECTOR TEST  NI  CAYETANO? — Dahil sa hindi “mamatay-matay” na isyu sa milyones na kaldero (cauldron) sa 30th SEA Games na ibinulgar ni Senate Minority Leader Franklin Drilon at inihalintulad pa ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa “pork barrel scam” ni Janet Lim-Napoles ang pondong napunta sa PHISOC ay hinamon ni Cayetano ang dalawang senador na magpa-lie detector test para raw malaman ng taumbayan kung sino ang korup sa kanilang tatlo.

 

Kumasa si Sen. Lacson sa hamon, pero si Drilon, dedma lang.
Siguro, kaya ayaw kumasa ni Drilon kasi alam niyang sasablay siya sa lie detector test, ha-ha-ha!

 

***

 

2019 NATIONAL BUDGET, NA-DELAY NOON DAHIL TINADTAD NG ‘PORK’ NG MGA CONG. — Sabi  ni  Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III, mga kongresista raw ang dapat sisihin at hindi ang Senado sa pagka-delay ng 2019 National Budget na dahilan kung bakit naantala ang ilan sa mga infrastructure project sa 30th SEA Games sa bansa.

 

Ayon kay Sotto, kaya natagalan ang Senado sa pag-apruba ay dahil pinagtatanggal nila ang sangkaterbang ‘pork barrel’ na isiningit ng mga congressman noon sa 2019 National Budget, buwisit!

 

***

 

KIDNAPPING SA METRO MANILA, HINDI DAPAT DEDMAHIN NG PNP — Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, “fake news” ang kumakalat sa social media na may mga puting van na nangingidnap sa Metro Manila.

 

Pambihirang PNP spokesman ito, imbes na balaan ang publiko na mag-ingat sa mga masasamang elemento, eh, dinedma lang ang isyung ito. Tsk-tsk-tsk!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr