Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Didal, TOPS November Athlete of The Month

December 4, 2019

 

Napakatamis na buwan ng Nobyembre na ito para kay Asian Games champion Margielyn Didal na nagwagi ng back-to-back titles sa Netherlands at California, USA nang humakbang na siya sa kanyang kampanya para makakuha ng tiket sa Tokyo Olympics. 

 

Ginulat ni Didal ang pinakamahusay na babaeng skaters sa mundo upang manguna at maging kauna-unahang Filipina Ladies Day Skate competitor sa Berrics sa The Netherlands. Kinumpleto ng 20-anyos na pride ng Cebu City sa dobleng panalo nang madepensahan niya ang kanyang korona sa 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships na idinaos sa Huntington Beach, California, USA. 

 

Ang back-to-back  na panalo na iyan ang nagbigay kay Didal ng parangal

bilang Athlete of the Month ng Nobyembre ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang bagong sports organization na binubuo ng mga editors, reporters at photographers mula sa mga nangungunang tabloids sa bansa.  

 

“Like many other great Filipino athletes, Margielyn made all of us proud to be Filipinos,” ayon kay TOPS president Ed Andaya.  “Her success serves as an inspiration to the Filipino youth who hope to make a difference in the wonderful world of sports,” dagdag ni Andaya. 

 

Ibinibigay din ang monthly awards ng TOPS kay basketball superstar Danielle

Animam ng UAAP champion National University at GM Rogelio Barcenilla, Jr. na nanguna sa  “Battle of GMs” chess championship. Ang mga nakaraang TOPS monthly  awardees ay sina Manny Pacquiao (January), Jasmin Mikaela Mojdeh (February), Natalie Uy (March), Obiena (April), June Mar Fajardo (May), the Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July), Antonella Berthe Racasa (August) Obiena (September) at Caloy Yulo (October).  Presentor din ang TOPS ng “Usapang Sports,” ang weekly forum na idinaraos sa National Press Club na itinaguyod ng PSC,  NPC at ng CBA na livestream sa Glitter Livestream.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr