Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Dahilan at pinag-mumulan ng katarata

December 4, 2019

Shane M. Ludovice, M.D / Sabi ni Doc

 

Dear Doc. Shane,
          Ako ay 60 yrs. old at dahil hirap na akong makakita, lalo na sa malayo, kahit may suot akong salamin ay hindi ko na halos makita ang aking nasasalubong, ipina-check ko ang aking mga mata sa doktor at nakita na may katarata ako na nagsisimula pa lamang. Ang sabi ng doktor ay dulot daw ito ng pagtanda at diabetes ko. Pero dahil hindi pa naman hinog, okay lang daw kahit huwag munang operahan. Ano ba ang ginagawa kapag inoperahan ito? —  Rana

 

 

Sagot
         Ang katarata ay ang paglabo ng lente sa loob ng mga mata na nagdudulot ng panlalabo ng paningin. Ito ang karaniwang sanhi ng pagkabulag sa buong mundo at karaniwang nagagamot sa pamamagitan ng operasyon. Ang pagkawala ng paningin ay sanhi ng opacification ng lente na humaharang sa liwanag na makapasok at mapokus sa retina sa likod ng mga mata.

 

Ang karaniwang sanhi nito ay pagtanda. Sa paglipas ng panahon, nadedeposituhan ang lente ng yellow-brown pigment at kasabay ng disruption ng hibla ng lente, nababawasan ang transmisyon ng ilaw at humahantong sa problema sa paningin.

 

Ang mga may katarata ay malimit nahihirapang makakita ng mga kulay at pagbabago sa contrast, pagmamaneho, pagbabasa, pagkilala ng mukha at kayanin ang ningning mula sa mga maliliwanag na ilaw. Sapagkat ang katarata ay tila bara sa lente o lens ng mga mata, ang tanging paraan para manumbalik ang linaw ng paningin ay ang pag-aalis nito sa pamamagitan ng operasyon.

 

Ano ang ginagawa sa operasyon ng katarata?
Sa cataract surgery o operasyon para sa katarata ay inaalis ang lente ng mga mata na may katarata at sa karamihan ng kaso, pinapalitan ito ng artipisyal na lente. Ito ay isa lamang mabilis na operasyon at gising ang pasyente habang ginagawa ito, bagama’t siyempre, may anesthesia para mamanhid ang mga mata at hindi maramdaman ng pasyente ang operasyon.

 

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr