Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Christmas tree, dapat sabitan ng mga sobre at sabuyan ng barya sa paligid para suwertehin

December 4, 2019

Sr. Socrates Magnus II

 

Ipagpatuloy natin ang ilang kaalaman tungkol sa Christmas Tree.
 
Sinasabi na ang iyong Christmas Tree at ikaw ay iisa lang. Kumbaga, ang inilalarawan ng iyong Christmas Tree ay ikaw mismo.

 

Kaya pagandahin mo ang Christmas Tree mo nang sa gayun ay gumanda rin ang kapalaran mo. Paano?

 

1. Lagyan mo ito ng ilaw sa pinakaitaas. Ito ay nagsasabing tatanglawan ka ng langit kung saan hindi ka maliligaw sa landas ng buhay na iyong tinatahak.

 

2. Sabitan mo rin ng Christmas lights upang ang mga suwerte ay mapasasaiyo at magkikislapan ang magagandang oportunidad sa buhay mo.

 

3. Magsabit ka rin ng mga bells para hindi ka talunin ng lungkot, depression at negatibong mga  pananaw.

 

4. Lagyan mo ng mga bagay na kulay gold, ito ay para hindi ka maubusan ng pera at kung mawalan ka man, mabilis kang muling magkakapera.

 

5. Lagyan mo rin ng kulay silver upang palagi kang hangaan, kilalanin at tinitingala tulad ng mga artista sa mga pelikula.

 

6. Sabitan din ng mga sobre nang sa gayun ay gumanda ang takbo ng iyong pinagkakakitaan, negosyo man o trabaho mismo.

 

7. Lagyan mo rin ng mga bola o pabilog na bagay para manalo ka sa mga pakikipagsapalaran mo sa iyong buhay.

 

8. Sabitan mo rin ng maliliit na box na ang ibig sabihin ay hindi ka mawawalan ng mga biyaya kapag ang langit ay naghulog ng mga suwerte sa lupa.

 

9. Sa ibaba,  maglagay ka ng munting Belen nang sa gayun ay maging matibay ang iyong pananampalataya.

 

10. Lagyan mo rin ng kahon ng regalo sa ibaba. Ito ay para bigyan ka ni Lord ng malalaking suwerte na magagamit mo sa iyong sarili at pagtulong sa kapwa mo.

 

11. Hagisan mo ng mga makikislap na glitters ang paligid ng Christmas Tree mo nang sa gayun ay mapuno ng saya at galak ang buhay mo.

 

12. Maglagay ka rin ng Bible sa ibaba para hindi ka talunin ng tukso.

 

13. Magsaboy ka rin ng mga barya sa paligid para matupad ang iyong mga kahilingan.

 

Muli, ang iyong Christmas Tree ay ikaw, na kapag malungkot ito ay magiging malungkot din ang buhay mo. 

 

Good luck and God bless!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr