Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Carmina, takot na takot multuhin ng tatay ni Zoren

December 4, 2019

Mercy Lejarde / Showbiz Talkies

 

 

Ang SUNOD: THE NEXT GENERATION horror film ang entry ng TEN17 at Globe Studios sa MMFF this coming December 25, 2019.

 

Ang pelikulang Sunod is a combination of thrill technology and the mystery of tradition na ang mga lead stars ay sina Carmina Villaroel, Mylene Dizon, JC Santos, Freddie Webb, Susan Africa and a lot more, sa direction ni Carlo Ledesma.

 

Single mother ang role rito ni Carmina na pumapasok as a call center agent with a sick daughter. Ang opisinang pinapasukan ni Carmina ay located sa isang old building sa Manila na may mga multong gumagala-gala lalo na ‘pag madaling-araw at parang sumusunod lagi sa kanya.

 

Sa grand mediacon ng Sunod ay natanong ni yours truly si Carmina kung nagpapakita o nagpaparamdam ba sa kanila ang daddy ng mister niyang si Zoren Legaspi na kanya ring father-in-law na si Lito Legaspi, former Sampaguita Pictures actor in the 60’s na sumakabilang buhay na this year lang. 

 

“Hindi po. Wala pong nangyaring ganu’n at nagpapasalamat ako kasi matatakutin ako. Siguro, alam ni Papsi (referring to Lito Legaspi, SLN) – na matatakutin ako kaya walang mga paramdam.

 

“Ahmmm, kahit si Zoren, wala rin naman. Kung meron man, thru dreams. Palagi namang ganu’n, eh,” sez Carmina.

 

Hirit uli ni yours truly… “Kung makakita ka raw ng multo ay tumaya ka sa Lotto and for sure, mananalo ka.”

 

“Kung makakita ako ng multo? Gugustuhin ko bang makakita ng multo (with matching soft laughter)? Ayoko… ayoko… hindi ako magiging masaya,” pagtatapos ni Carmina.

 

K, noted.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr