Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

CAFGU niratrat ng mga rebelde

December 4, 2019

AGUSAN DEL NORTE — Isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang pinagbabaril at napatay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Los Angeles, Butuan City.

 

Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si CAA Recto Mabasle, nakatalaga sa Army-CAFGU Patrol Base sa nasabing lalawigan.

 

Ayon sa ulat, habang nakatayo sa labas ng kanilang bahay si Mabasle ay biglang sumulpot ang mga NPA at agad pinagbabaril ang biktima.

 

Kaagad namang dinala ng kanyang mga kamag-anak si Mabasle sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 

Tinutugis na ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA na pumatay sa biktima.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr