Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Aeronautical student nagbaril sa sentido

December 4, 2019

 

Patay ang 23-anyos na Aeronautical student matapos magbaril sa sentido sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Tondo, Manila, kamakalawa.

 

Duguan ang ulo nang abutan ng kanyang mga magulang ang biktimang si alyas ‘Carl’, Aeronautical student sa Air Link.

 

Batay sa imbestigasyon ni PEMS Jonathan Bautista, nadiskubre ang bangkay alas-12:00 ng tanghali sa kuwarto ng biktima at nakuha rin malapit sa bangkay ang Taurus .40 calibre.

 

Ayon sa ama ng biktima, huli niyang nakitang buhay ang anak noong Disyembre 1,  bandang  alas-11:00 ng gabi.

 

Nabatid na umalis umano sila ng bahay para mamili at dumalaw sa lolo ng biktima. Pag-uwi ng bahay, nakaugalian na umano ng ama na tawagin ang anak pero, nagtaka sila nang hindi ito sumasagot.

 

Dahil dito, dumiretso na ang ama sa kuwarto ng anak pero naka-lock at sa hinalang may nangyaring hindi maganda kaya puwersahan nilang binuksan ang pinto at dito tumambad ang nakabulagta at duguang biktima.

 

Natuklasan na ang ginamit na baril ng biktima ay pag-aari ng ama, na iginiit na may dokumento ito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr