Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

“Laban Atletang Pilipino!” — Ramirez

December 4, 2019

 

Kahanga-hanga.  Sa ganitong salita inilarawan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang kampanya ng atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games. 

 

Sa kabila ng samu’t saring isyu at pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’, hindi nagpaapekto ang mga atleta at ipinakita ang tapang, lakas at husay na siyang sentro ng kanilang paghahanda sa nakalipas na dalawang taon. “From a total 23 gold medal na nakuha natin sa Kuala Lumpur noong 2017, nalagpasan natin ito sa unang araw pa lamang ng kompetisyon (25).

 

Nakakabilib at nakakataba ng puso na talagang ibinuhos ng ating mga atleta ang kanilang husay at sinulit ang sakripisyo nila sa training,” pahayag ni Ramirez, napipintong maging unang  PSC Chairman na nangasiwa sa sports agency na nagwagi ng SEAG overall title ang Team Philippines.

 

“After three days of intense competitions and with team Philippines performing magnificently in the face of the world-class foes, I would like to send my message of congratulations to all who fought valiantly to uphold national pride.

 

You are all winners to us,” pahayag ng Team Philippines Chef de Mission. Wala pa sa kalahati ang labanan, ngunit, naamoy na ang simoy ng tagumpay para sa koponan ng Pilipinas kung saan umaasa si Ramirez mapanatili ng koponan ng Pilipinas  ang  kanilang sigla at lakas sa pakikipaglaban. 

 

Dagdag pa niya, umiikot sa kasalukuyan ang kanyang mga Deputy Chef de Mission upang siguruhin na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga atleta at makapagbigay ng kaukulang suporta.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr