Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

‘Pinas, may ‘K’ daw sa mas malaking event.. Olympic Council of Asia, bumilib sa 30th SEA Games

December 4, 2019

 

Bumubuhos ang papuri at suporta sa hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games  2019 ng ating bansa. 

 

Dumagdag na humanga sa galing ng bansa at ng gobyerno si Olympic Council of Asia (OCA) Vice-President Wei Jizhong. 

 

Ang mataas na opisyal ng OCA ay nagbigay-papuri sa Pilipinas sa maayos na pag-organisa ng 30th SEA Games. 

 

Ayon kay Wei Jizhong, naniniwala siya na kayang-kaya ng Pilipinas na magsagawa pa ng mas malaking sporting event matapos makita nang personal ang maayos at sistematikong pag-organisa ng SEA Games. 

 

Dagdag pa ni Wei sa isinagawang press conference nitong Lunes, ang slogan na “We Win As One,”  hanggang sa  fan  engagement at sa matapat na pag-amin sa responsibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naunang aberya ay mahalagang bagay upang maging maayos ang pag-organisa sa SEA Games. 

 

Matatandaang, humingi ng dispensa si Pangulong Duterte pati na rin si House Speaker Alan Peter Cayetano, pinuno ng organizing committee, sa pagkakamali na naganap at nangako na aayusin ito. 

 

Hindi umano sila nabigo na mapahanga ang buong bansa at ang buong mundo sa  makapanindig-balahibo na opening ceremony ng SEA Games 2019.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr