Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pati coach, instructor o trainer.. Awtomatikong Civil Service Eligibility sa mga atleta

December 3, 2019

Photo: pcoo.gov.ph (right)

 

Isinusulong na kilalanin na rin bilang sports professionals ang mga atletang Pilipino, gayundin ang mga nagsasanay sa kanila sa pamamagitan  ng  pagbibigay ng Civil Service Eligibility.

 

Ayon kay Iligan Rep. Frederick Siao, chairman ng House Committee on Civil Service  and  Professional Regulation, makatwiran na mabigyan ng lisensiya bilang full-pledged professionals ang mga kumakarir sa sports.

 

Buong panahon aniya ang ibinubuhos ng mga atleta, coach, instructor o trainer para manatiling palaban sa mga kompetisyong pampalakasan.

 

Binanggit pa ng kongresista na sa ilalim ng International Labor Office- International Standard of Classification of Occupations, kinikilala ang sports professionals at associates.

 

Ipinunto ni Siao na kung maituturing na professional job ang pagiging  atleta at ang pagsasanay sa sports, magagarantiya ang tamang kompensasyon, benepisyo, katatagan ng career at pagreretiro.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr