Next PNP chief.. Kayang pumatay ng drug lord — P-Digong

December 3, 2019

 

Kayang pumatay umano ng drug lord ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

 

Ayon kay Pangulong Duterte, ito ang nakikita niyang ‘better deal’ para sa mga matataas na opisyal na nais maging PNP chief.

 

Hindi lang aniya sapat ang mga inirerekomendang pangalan sa kanya na matataas na opisyal ng PNP.

 

“Hirap ako sa pulis. Mahal ko ‘’yung mga pulis ko pero, hirap ako sa mga official. I mean they’re all good but I want a better deal,” sabi ni Pangulong Duterte sa exclusive interview ng Unang Hirit ng GMA7.

 

“It’s not enough that you recommend to me. Kung sabihin, ‘Sir ‘pag akong pinili mo patay lahat ang drug lords, patay lahat ang…’ Okay, ikaw,” wika pa ng pangulo.

 

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nais ng pangulo ang isang matapat na pinuno ng PNP na kahulugan umano ng better deal.

 

Kabilang sa lumulutang na pangalan sina Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan, Police Major General Guillermo Eleazar at Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa na kasalukuyang officer-in-charge ng PNP.

 

Matatandaang, nagbanta si Pangulong Duterte na posibleng siya ang mamuno sa PNP sakaling hindi siya makapili ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.