top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Nainlab sa mag sabit, makakapag-asawa pa rin kung pula o green ang palaging isusuot

Maestro Honorio Ong

Katanungan

1. Makapag-aasawa pa kaya ako kahit isa lang ang Marriage Line sa aking mga palad at alam kong nangyari na ‘yun nang ma-in love ako sa lalaking may asawa na noong ako ay nasa college pa?

2. Napapaisip ako kung makapag-aasawa pa ako sa edad kong 39. Ano sa palagay ninyo?

Kasagutan

1. Para masabing hindi na makapag-aasawa ang tumatandang lalaki o babae na tulad mo, ‘yun bang kapag kumurba paitaas ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad at pagkatapos ay ikinulong ang lagda sa malaking bilog o sadyang binurara o binaboy ang pirma.

2. Ngunit nakita mo naman, hindi nakakurba o nakatingala sa langit ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, bagkus, diretso at maganda naman ang nasabing guhit (arrow b.). Ibig sabihin, basta pinuwersa mo ang tadhana sa iyong layunin o kagustuhan na

makapag-asawa, walang magagawa ang langit kundi ang pag-asawahin ka.

3. Pansinin mo rin ang iyong pirma, bagama’t, maliit lang ito, hindi naman ito nakakulong sa bilog at naburara. Ibig sabihin, malaki ang tsansa na makapag-aasawa ka pa basta mula ngayon ay lakihan mo ang pagkakasulat ng iyong pirma at palagi kang magsusuot ng kulay pula o berde.

4. Sa kulay na nabanggit at kapag nilakihan mo ang iyong lagda, lalo na ang lower loop o ang lower zone ng letrang “g”, hindi imposible ang magaganap sa 2021 sa edad mong 41 pataas, makapag-aasawa ka pa at habambuhay na magiging maligaya. Dapat Gawin Ayon sa iyong mga datos, Lara, tiyak ang magaganap, sa 2021 sa buwan ng Oktubre o Disyembre sa edad mong 41 pataas, makapag-aasawa ka pa at magkakaroon ng simple pero masayang pamilya na hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra (Drawing A. at B. h-h arrow c.).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page