Mini bus tumagilid, 26 nadale

December 3, 2019

Photo: Sogod Police

 

Nasa 26 katao ang sugatan makaraang tumagilid ang kanilang sinasakyang minibus sa bahagi ng national highway sa Sitio Sandayong, Bgy. Liko, Sogod City, Cebu.

 

Ayon sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Raymund Bacordo, naganap ang insidente pasado alas-2:00 ng madaling-araw, kahapon.

 

Nabatid na patungong Cebu City ang minibus sakay ang may 40 pasahero kabilang ang 44-anyos na driver na si Edgar Munez Atendido at dalawang konduktor.

 

Sinasabing nag-overtake si Atendido sa isang bus sa kanyang harapan subalit, hindi nito nakontrol ang minamanehong sasakyan hanggang sa tumagilid sa kalsada.

 

Sa 26 na mga nasugatan, lima ang nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

Nahaharap ang driver sa kasong multiple physical injury at damage to property.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.