Fake news man o totoo, panawagan sa PNP.. Isyu ng pagdukot sa mga kabataan, tutukan

December 3, 2019

 

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Philippine National Police (PNP) na tutukan ang isyu sa  umano’y pagdukot sa mga kabataan sa Metro Manila.

 

Kung saan, nagdudulot na umano ito ng matinding pangamba at takot sa mga magulang.

 

Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos kumalat ang viral post sa social media tungkol sa mga kabataang dinukot sa Pasay City na siya namang lumikha ng takot at pangamba sa hanay ng mga mag-aaral at mga magulang.

 

Nag-viral sa social media ang post ni Rusty Sablada na may kuha pa ng CCTV footage na ipinapasok ng dalawang lalaki ang isang tao sa loob ng van sa kanto ng FB Harrison at Humilidad Sts., Pasay City.

 

Naipakita rin sa post ang siyam na larawan ng iba pang mga kabataan kabilang ang isang babae na umano’y dinukot sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod noong nakaraang buwan. 

 

Kung fake o totoo man ang balita, naniniwala si Marcos na hindi ito dapat ipagsawalambahala  ng pamahalaan lalo pa at lumilikha ito ng pangamba at takot sa maraming pamilyang Pilipino.

 

“Sabihin man na fake news ito o hindi, kailangang umaksyon ang gobyerno rito dahil marami ang natatakot na mga kabataan, mga magulang at bawat pamilya,” dagdag pa ni Marcos.

 

Aniya, kailangang aksiyunan agad ito ng PNP.  Kailangan ang mabilisang beripikasyon sa mga balita ng pagdukot at magsagawa ng mga preventive measures tulad ng pagdaragdag ng police visibility sa mga lansangan.

 

Kailangan din ang matinding information drive ng PNP at mga lokal na pamahalaan na makatutulong sa mga pamilya kung paano mapananatiling ligtas ang kanilang mga anak. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.