Away sa binyagan.. Kelot todas sa pulis

December 3, 2019

 

Utas ang 54-anyos na lalaki matapos barilin ng pulis Quezon City na kanyang nakaalitan sa gitna ng selebrasyon ng binyagan, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

 

Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo si Elmer Badua, sanhi  ng tama ng bala sa dibdib.  

 

Pinaghahanap  na ang suspek na si Police Staff Sergeant Manuel Lopez Asuncion, 34, nakatalaga sa Police Station 1 ng Quezon City Police District.

 

Sa imbestigasyon ni P/Corporal Allan Lingcong, alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang mangyari ang krimen sa harapan ng bahay ng suspek kung saan idinaraos ang inuman kaugnay sa naganap na pagbibinyag sa anak nito.

 

Sa gitna ng kasiyahan, biglang nagkainitan ang biktima at suspek na nauwi sa bugbugan hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at ipinutok sa biktima.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.