Maguindanao—Isang bomba ang natagpuan ng mga residente kamakalawa sa gilid ng national highway ng Bgy. Lower Tambunan Dos, Guindulungan.
Ang uri ng bombang natagpuan ay IED o improvised explosive device na gawa sa 81 mm mortar projectile, 40 mm high explosives, blasting caps at cellphone.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bomba at agad nila itong ini-report sa mga awtoridad na agad nagresponde sa lugar.
Nasa pangangalaga na ng 3rd Explosive Ordance Disposal Team ng Philippine Army (PA) ang naturang bomba.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung anong grupo ng mga rebelde ang nagtanim ng bomba sa naturang lugar.