‘Tisoy’ hataw, signal no. 2 sa Catanduanes at Samar

December 1, 2019

 

Bahagyang humina habang patuloy na nagbabanta sa ilang lalawigan sa Luzon at Visayas ang Bagyong Tisoy na inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan simula ngayong araw.

 

Nakataas ang Tropical Cyclone Signal No. 2 sa tatlong lalawigan sa bansa kabilang ang Catanduanes, Northern Samar at Eastern Samar.

 

Signal No. 1 naman sa Quezon kasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands, Marinduque, Romblon, Aklan, Capiz, Northern Iloilo, Northern Antique, Northern Negros Occidental, Northern Cebu, Samar, Biliran, Camotes Island, Leyte, Southern Leyte at Dinagat Islands. Inaasahan ang landfall ng bagyo ngayong gabi o bukas ng umaga.

 

Bandang alas-10:00 ng umaga nang huling mamataan ang 705 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes namay lakas ng hangin na hanggang 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 170 kilometro kada oras. Kumikilos ang Bagyong Tisoy sa bilis na 25 kilometro kada oras.

 

Simula ngayong araw, asahan ang malimit na malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Samar Provinces at Biliran habang katamtamang lakas ng pag-ulan naman ang mararanasan sa Romblon, Marinduque at Quezon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.