top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

34-anyos, makapag-aasawa kung magpapahaba ng buhok, magpapaganda at magpapa-sexy

Dear Maestro, Dalaga pa rin ako sa edad na 34. Itatanong ko lang kung ako ay makapag-aasawa pa kahit wala naman akong nobyo ngayon? Kung magkaka-boyfriend ako at makapag-aasawa, kailan kaya ito mangyayari? December 16, 1985 ang birthday ko.

Umaasa, Jewel ng San Jose, Baras, Rizal

Dear Jewel, Ayon sa birth date mong 16 o 7 (1+6=7) sa destiny number na 6 (12+16+1985=2013/ 20+13=33/ 3+3=6) sa zodiac sign na Sagittarius, sobrang weak o mahina ang mga numerong umiimpluwensiya sa iyong kapalaran kaya medyo natatagalan bago ka magka-boyfriend at tuluyang makapag-asawa.

Sa halip na ang weak number na 16 o 7 ang mamayani, dapat higit na mamayani ang zodiac sign mong Sagittarius para medyo matapang o strong ang iyong dating. Upang mangyari ito, dapat palagi kang magsuot ng pula. Bukod sa pula, puwede rin ang dilaw at itim, higit lalo tuwing sasapit ang mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Lunes, Sabado at Linggo.

Dagdag pa rito, dapat ding magpahaba ka ng buhok at palaging magpaganda tulad ng paggamit ng make-up, magpa-sexy at magpabango upang lumutang nang husto ang pagiging Sagittarius mo.

Kapag nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad, paggamit ng tamang kulay at pagpapalutang ng zodiac sign mong Sagittarius sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap sa 2020 sa edad mong 35 pataas, magkaka-boyfriend ka na, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries, na siya na rin ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page