top of page
Search
  • Imee R. Marcos

DOLE, hanggang tapik lang ang kayang gawin sa mga barat na employers

Ilang kembot na lang, Disyembre na!

Feel na feel nating papalapit na nang papalapit ang Pasko. At alam naman nating kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay marami sa ating mga friendship ang umaasang kahit papaano ay magkakapera para may maipanghanda at maipanregalo sa kani-kanyang mga mahal sa buhay.

‘Yun nga lang, ang mga inaasahang pera ng marami sa ating mga manggagawa sa pribadong sektor kung minsan ay dinidedma lang ng kanilang mga pasaway na employer.

Imagine, ‘yung obligasyong 13th month pay na dapat ibigay sa kanilang mga empleyado na naaayon sa batas kung minsan ay hindi o late na ibinibigay.

Maraming negosyante ang hindi sumusunod sa batas at sa halip na ibigay ang kabuuang 13th month pay, grocery items lang ang ibinibigay sa kanilang mga empleyado. Ganern?!

‘Yung dapat na 13th month pay na inaasahan natin ay binabarat pa ng mga pasaway na employer.

Pero ang nakapagtataka, ano ang hakbang na ginagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa hindi pagsunod ng maraming employers?

Every year, merong ganitong mga kaso and yet, wala tayong nakikitang hakbang ng DOLE para maparusahan ang mga barat na employer!

Ang siste, tila walang ngipin ang batas sa mga aberya tungkol sa 13th month pay. Kumbaga, hanggang tapik o sita lang ang puwedeng gawin ng gobyerno laban sa mga employer na hindi sumusunod sa batas.

Kaya siguro ang pinakamainam na gawin natin ay kulitin ang DOLE para sila ang kumulit sa mga employers na ayaw magbigay ng 13th month pay!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page