top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Yayaman sa negosyong prutas kung byuti, matataba at palangiti ang kukuning tindera

Dear Maestro, Pareho kaming dating guro ng mister ko at pareho kaming umabot sa retirement age kaya tumigil na kami sa pagtuturo. May malaking halaga kaming makukuha kaya nais kong itanong kung anong negosyo ang angkop sa aming mag-asawa? July 14, 1952 ang birthday ko at January 5, 1951 naman ang mister ko.

Umaasa, Mrs. Cancer ng Muzon, Malabon City

Dear Mrs. Cancer, Ayon sa zodiac sign mong Cancer at Capricorn naman si mister, gayundin sa birth date na 6 ni mister at sa birth date mong nagkataong 5 din (dahil ang 14 ay 1+4=5), ang pinakamapalad na negosyo ay mga kalakal na may kaugnayan sa bungangkahoy at prutas, gayundin sa butil tulad ng bigas, mais, palay, munggo, kape, soy beans at iba pang kauri nito. Sa nasabing produkto o kalakal, aasenso kayong mag-asawa.

Dagdag pa rito, puwede mo ring subukan ang mga produktong pagkain at grocery sa poblacion o sa public market. Mapalad namang gamitin sa inyong negosyo ang kulay berde, pula at iba pang matitingkad na kulay upang mas mabilis na lumago ang inyong kalakal.

Gayundin, pumili ng mga tinderang magaganda, matataba at palangiti upang magtuluy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran ng negosyong inyong itatayo.

Kapag nasimulan mo na ang negosyong nabanggit na maaaring simulan ngayong taon ding ito, ngayong buwan ng Nobyembre o Disyembre, tiyak ang magaganap, mula ngayon ay lilipas ang tatlo hanggang apat na taon at sa 2022 hanggang 2023, ayon sa iyong Business Calendar, humigit-kumulang sa edad ninyong 70 pataas, mayamang-mayaman na kayo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page