top of page
Search
  • Gerard Arce

ONE Esports DOTA 2 World Pro, abangan


Isang pambihira at matindihang laro ang ipamamalas ng pinakamagagaling na online gamers sa buong mundo sa pagsambulat ng ONE Esports Dota 2 World Pro Invitational Tournament simula Dis. 20-22 sa Singapore Indoor Stadium.

Isa sa mga sangay ng ONE Championship, ang ONE Esports ay isa sa mga malalaking pandaigdigang sports media property sa Asya na maglulunsad ng isang torneong pagmumulan ng mga dekalibreng online gamers sa buong mundo na may papremyong aabot sa US$500,000.

Matutunghayan ang 12 sa pinakamahuhusay sa larangan ng Defense of the Ancient (Dota) 2 kabilang na ang pambato ng bansa na TNC predator kalaban ang mga koponang Alliance, Evil Geniuses, Gambit, J.Storm, Natus Vincere, PSG.LGD, Team Aster, Team Liquid, Team Secret, Virtus.pro at Vici Gaming.

Inihayag ni ONE Esports CEO Carlos Alimurung na ito ang magiging kauna-unahang Esports event na ilulunsad sa Singapore na inaalay din para sa mga taga-sunod ng Esports ayon sa inilabas na statement para sa media.

Bukod umano sa online gaming ay katatampukan din ng mga magagaling at mahuhusay na Cosplayers ang naturang tagpo kung saan pamumunuan ng cosplay superstar na Redemption Props mula sa India ang pagandahan ng mga online gaming at animated characters na tiyak na kapapanabikan ng mga fans.

Magkakaroon rin ng pagkakataon ang mga fans na pakipagsalamuha at magpakuha ng picture at autograph sa mga iniidolong Dota 2 teams at cosplayers para sa meet-and-greet sessions.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page